Namahagi ang Angat Buhay ng Solar Kits para Matugunan ang Kakulangan ng Kuryente sa Panicuason

SHARE THIS:

Sa tulong ng Solana Renewables Corporation at Accenture Philippines, nakapaghatid tayo ng solar lighting kits sa 25 kabahayan sa Zone 6, Barangay Panicuason, Naga City.

Hanggang ngayon, marami pa rin sa Panicuason ang walang direktang access sa kuryente. Dahil dito, nahihirapan ang mga residente sa pagtugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan—mula sa edukasyon at kabuhayan, hanggang sa komunikasyon at kaligtasan ng pamilya.

Upang matugunan ang hamong ito, isinagawa ang pamamahagi ng solar lighting kits na layong magbigay ng ligtas, maaasahan, at pangmatagalang ilaw sa mga kabahayang walang kuryente. Kasama rin sa aktibidad ang pagsasanay sa mga benepisyaryo ukol sa tamang paggamit at pag-aalaga ng mga kits, upang matiyak ang ligtas at matagalang paggamit ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Angat Buhay
Angat Buhay2 days ago
Nagsagawa tayo ng series of training para sa mga volunteer tutors ng Bayan Ko, Titser Ko (BKTK) Program, sa pangunguna ng UP College of Education.

Apat na training na ang naisagawa natin sa De La Salle Santiago Zobel, St. Theresa’s College, Siena College of Quezon City, at Siena College of Taytay na dinaluhan ng iba’t ibang LGUs, partner organizations, at higher education institutions mula sa Luzon at Visayas.

Mahalaga ang mga training na ito upang matiyak na handa ang ating volunteer tutors sa pagsasagawa ng maayos at angkop na sessions para sa mga batang hirap bumasa. Tinutukan din dito ang tamang paggamit ng BKTK assessment and instructional kits na binuo ng UP College of Education, University of the Philippines Center for Integrative and Development Studies, at University of the Philippines Integrated School.

Layunin ng BKTK Program na matulungan ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na nahihirapang bumasa. Binibigyang-diin din nito ang mahalagang papel ng mga magulang at pinalalakas ang kanilang sense of shared responsibility sa komunidad.

❤️ Support our #bayanihan programs through: bpiedonate.com/ab

Recent Stories:

Angat Buhay is a non-government organization accredited by the Philippine Council for NGO Certification (PCNC) and certified with ISO 9001:2015 – Quality management systems, ensuring its commitment to transparency, accountability, and operational excellence.

Contact us at: info@angatbuhay.ph

Copyright 2024. Angat Pinas Inc. All rights reserved. | Powered by Pixelzero Digital Solutions

This will close in 0 seconds

This will close in 0 seconds

This will close in 0 seconds

ANGAT KALIKASAN TOOLKIT 2024 [Download]

This toolkit summarizes the principles and best practices discussed in Angat Kalikasan. These strategies support SKs in their role of enhancing community-level environmental governance through problem-solving approaches, stakeholder management, policy creation, advocacy campaigning, and monitoring. The toolkit includes activities and templates you can use to further develop and refine your environmental initiatives.