BAYANIHAN E-KONSULTA, PATULOY NA UMAARANGKADA

SHARE THIS:

Mahigit 6,000 pasyente, natulungan! 
(Originally published on February 2, 2023)

Sa loob lamang ng limang buwan, mahigit 6,000 pasyente ang nabigyan ng kalingang medikal ng Angat Buhay Foundation ni dating Bise Presidente Leni Robredo sa ilalim ng programang Bayanihan e-Konsulta. 🌷

Mula Hulyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon, mahigit 1,000 doktor, nars, at non-medical volunteers ang nagtulungan sa mga virtual checkup sa ilalim ng nasabing programa.

Bukod dito, halos 800 COVID care kits din ang naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang lugar at komunidad sa loob ng National Capital Region (NCR). 

Ano mang karamdaman at hamon ang dumating, kayang-kaya nating harapin basta’t nagbabayanihan tayo.

Raffy Magno, Angat Buhay Executive Director

Ngayong 2023, nais pang palawakin ng Angat Buhay ang programa ng Bayanihan e-Konsulta, kasama ang pagsasalokal ng mga serbisyo at pagpapalakas ng mga programa patungkol sa mental health. #

Angat Buhay
Angat Buhay12 hours ago
PANOORIN: Agad tayong nakapaghatid ng mainit na pagkain at malinis na tubig sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Mt. Bulusan sa Juban, Sorsogon sa tulong ng Angat Sorsogon , LGU ng Juban, MDRRMO, Philippine Coast Guard, at mga opisyal ng Barangay Guruyan at Puting Sapa.

Patuloy naman ang preparasyon ng Angat Sorsogon para sa mga susunod na relief operations sa iba pang apektadong lugar.

Para makatulong: https://www.facebook.com/share/p/15mQVjTuRs/
Angat Buhay

Recent Stories:

Angat Buhay is a non-government organization accredited by the Philippine Council for NGO Certification (PCNC) and certified with ISO 9001:2015 – Quality management systems, ensuring its commitment to transparency, accountability, and operational excellence.

Contact us at: info@angatbuhay.ph

Copyright 2024. Angat Pinas Inc. All rights reserved. | Powered by Pixelzero Digital Solutions

This will close in 0 seconds

This will close in 0 seconds

This will close in 0 seconds

ANGAT KALIKASAN TOOLKIT 2024 [Download]

This toolkit summarizes the principles and best practices discussed in Angat Kalikasan. These strategies support SKs in their role of enhancing community-level environmental governance through problem-solving approaches, stakeholder management, policy creation, advocacy campaigning, and monitoring. The toolkit includes activities and templates you can use to further develop and refine your environmental initiatives.