TRAINING PARA SA EARLY CHILDHOOD EDUCATION 📖
Sa pakikipagtulungan ng Angat Buhay at ng Local Government Unit ng Naga City, nagsagawa tayo ng isang seminar-workshop na binuo batay sa Training Needs Assessment ng ating mga Child Development Teachers (CDTs) at Child Development Workers (CDWs).
Masusing idinisenyo ito ng Tanglaw ni Teresa, bahagi ng Angat Bayanihan Volunteer Network, katuwang ang Adarna Group Foundation, Inc. (AGFI) at Early Childhood Care and Development (ECCD) - Naga, upang higit pang palakasin ang: early literacy, early numeracy, pagbuo ng positibong learning environment, at kahalagahan ng laro.
Bilang pagkilala sa dedikasyon ng ating 100 CDTs at CDWs, ang training na ito ay PRC-accredited at may katumbas na 10.5 CPD units.
Patuloy nating itinataguyod ang ECCD, isang malinaw na patunay ng ating pangako na masiguro ang dekalidad na kalinga at edukasyon para sa bawat bata. Dahil, naniniwala kami sa
#AngatBuhay na ang matatag na kinabukasan ay nagsisimula sa isang mahusay na pundasyon.
🌐 Support our
#bayanihan programs: donate.angatbuhay.ph/bayanihan